Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng mga paglabag sa ilang health and safety protocols sa mga isinagawang campaign rallies nitong mga nakalipas na araw.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nai-report na nila sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga nasabing paglabag.
Ayon kay Fajardo, kung kinakailangan ay handa silang magsampa ng mga kaso laban sa mga kandidato at kanilang mga taga suporta na naitalang lumabag sa health and safety protocols.
Nakikipag-ugnayan aniya sila sa Department of Health (DOH) at COMELEC.
Kasabay nito umaapela si Fajardo, sa mga kandidato at mga supporters na sumunod sa mga itinakdang patakaran ng COMELEC para maiwasang kumalat ang COVID-19.
Facebook Comments