261 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service, ito na ang pinakamababang bilang sa taong ito kumpara sa halos 500 noong January 1, at lumagpas sa 3,000 noong Abril at Setyembre.
Ito’y matapos ang ilang magkakasunod na araw na nakapagtala ang PNP Health Service ng mas maraming gumaling kesa sa mga nagkakasakit sa kanilang mga tauhan.
Ngayon araw ay siyam lang ang iniulat na bagong kaso, habang 29 naman ang mga gumaling.
Samantala, ipinaabot naman ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang kaniyang pakikidalamhati sa pamilya ng ika-125 nilang tauhan na namatay dahil sa COVID-19.
Kinilala ito bilang isang 54 na taong gulang na senior officer na naka-assign sa Bicol na nagpositibo sa virus noong Nobyembre 1 at pumanaw noong Nobyembre 8 sa ospital.