Defense Department, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya nang nasawing si MMDA Chair General Danilo “Danny” Lim

Nakikiramay ang Department of National Defense (DND) sa pamilya nang nasawing si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair General Danilo “Danny” Lim.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa pagpanaw ni Lim, isang hinahangaang lider at public servant na naman ang nawala.

Si Lim ay 65 anyos na at nagsimula ang kanyang career sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bago naging civilian public servant.


Sinabi ni Lorenzana, nagsilbi itong good example sa pamumuno sa mga hinahawakang tanggapan sa gobyerno.

Si Lim ay miyembro ng Philippine Military Class of 1978, at bilang kasalukuyang MMDA Chairman, sila ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na nagiging front line response sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman nagpapasalamat si Secretary Lorenzana sa MMDA Chairman sa pagsuporta sa mga Inter-Agency Emergency Response Operations.

Facebook Comments