PNP, nakatanggap ng donasyong 22 mga bagong sasakyan

34

Pormal na natanggap ngayong umaga sa Camp Crame ang 22 bagong Toyota Hiace Grandia na donasyon sa Philippine National Police (PNP) ng Police Service Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI).

Mismong si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang nanguna sa pagtanggap ng donasyon mula kay PSSLAI Chairman and CEO Ret. General Lucas Managuelod.


Bukod dito iginawad din ng PSSLAI ang 2nd Rafael Crame Balangay awards sa mga natatanging police units na matagumpay na naisulong ang Anti-Crime Campaign ng PNP sa pamamagitan ng magandang “community engagement”.

Ayon Kay Gen. Managuelod, aabot sa 54 million ang kabuuang halaga ng mga bagong sasakyan at cash awards para Rafael Crame Balangay awards na ibinigay ng PSSLAI.

Facebook Comments