PNP, nakatutok sa dalawang rehiyon sa bansa na inaasahang magiging magulo ngayong panahon ng pangangampanya para sa eleksyon

Nakatuon ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa dalawang rehiyon sa bansa na inaasahan nilang magkakaroon ng gulo ngayon panahon ng eleksyon dahil sa presensya ng Private Armed Groups o PAGs.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos na batay sa kanilang assessment, posibleng magkaroon ng away pulitika sa Bangsamoro Autonomous Region at sa SOCCSARGEN o Region 12.

Kaya naman nagkaroon na sila ng mga security adjustment partikular ang deployment ng tropa sa field.


Maglalagay aniya sila ng mga pulis sa mga logistics hubs, Commission on Elections (COMELEC) office, polling precinct at polling center.

Dahil naman sa maximum deployment, magbabawas ang PNP na magbigay ng security detail sa mga hihiling nito sa COMELEC, ang payo na lang ng PNP ay mag-hire ng body guard.

Sa March 8 ay muling pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng PNP para i-finalized ang seguridad na ipatutupad sa gagawing campaign para naman sa local position na inaasahang mas magiging mainit o magiging magulo.

Facebook Comments