Helikopter ng PNP, bumagsak

Batay sa inisyal na report ng Philippine National Police (PNP), alas 8:05 ng umaga kanina nang bumagsak ang PNP helicopter sakay ang tatlong tauhan ng PNP Air Unit.

Sa ngayon di pa tukoy ang nangyari sa tatlong sakay nito dahil sa hirap ng signal sa lugar.

Nakatanggap lang daw ng report ang Real Municipal Police Station mula sa PNP Air Unit kaugnay sa nangyaring aksidente.


Agad na ring tumungo sa lugar ang mga tauhan ng BFP at Municipal Action Center.

Facebook Comments