MANILA – Umapela ang PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sumuko na ang mga pinalayang consultants ng National Democratic Front of the Philippines.Kasunod ito ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng grupo.Gayundin ang kautusan ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga consultants.Sinabi ni CIDG Director Roel Obusan, kumikilos na ang kanyang mga tauhan at nakipag-ugnayan na rin sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Immigration at iba pang ahensya para makumpirma kung nakabalik na sa bansa ang mga consultant.Umaasa ang CIDG na hindi magkakaroon ng problema sa pag-aresto sa mga NDF consultants.Bukod sa CIDG, iginiit din ni AFP Public Affairs Office Chief Edgar Arevalo na mas mabuting sumuko na lamang ang mga consultants.Una nang ibinasura ng NDF ang ng liham na pormal na pumuputol sa kasunduang gumagarantiya sa kaligtasan ng mga rebeldeng dumalo sa usapang pangkapayapaan.Ayon kay NDF Chief Fidel Agcaoili, hindi pa rin maaring arestuhin ang mga pinalayang consultant dahil may bisa pa rin ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.Sabi ni Agcaoili, dapat munang linawin ni pangulong duterte ang mga dahilan kung bakit ibinasura ang JASIG.
Pnp – Nakikipag-Uganayan Na Sa Bureau Of Immigration At Armed Forces Of The Philippines Kaugnay Sa Pag-Aresto Sa Mga Ndf
Facebook Comments