Inilalatag na ng Philippine National Police (PNP) ang security plan na ipatutupad para sa napipintong pagsisimula ng face-to-face classes sa Aug. 22.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ito ay alinsunod sa bilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siguraduhing maayos ang lahat sa pagbubukas ng klase.
Sinabi ni Gen. Danao na inaasahan ng Pambansang Pulisya na mas dadami pa ang mga tao sa mga pampublikong lugar lalo na kapag ipinatupad na ang 100% face-to-face classes sa Nobyembre.
Kritikal aniya ang pag-monitor sa mga lugar na ito laban sa krimen at sa pagtiyak na nasusunod ang minimum public health standards.
Paliwanag ni Danao, gagamiting template ng PNP ang security measures na ipinatutupad ngayong on-going ang blended learning kapag ipinatupad na ang face-to-face classes sa darating na pasukan.