PNP – nakikipag-ugnayan na sa INTERPOL para matunton si Ralph Trangia, isa sa mga prime suspect sa pagkamatay ni Horacio Castillo III

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philipine National Police sa International Police para matukoy ang kinaroroonan ng isa sa mga suspek sa pagkamatay Horacio ‘Atio” Tomas Castillo III.

Sa impormasyon ng PNP, nasa Taiwan na ngayon ang isa sa mga suspek na si Ralph Trangia.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, sakaling matukoy na nila ang kinaroronan ni Ralph Trangia sa tulong ng INTERPOL hihilinggin nilang ikansela ang travel documents ng suspek.


Dahil dito mapipilitan na siyang bumalik sa bansa at harapin ang kanyang kaso.

Sa ngayon, tuloy ang manhunt operation ng mga tauhan ng Manila Police District para maaresto ang dalawang pang suspek na sina Antonio Trangia, ama ni Ralph Trangia, at John Paul Solano.

Nanawagan din si Dela Rosa sa mga suspek na sumuko na lamang para harapin ang kanilang kaso at makonsensya.

Si Castillo ay law student na aplikante sa Aegis Juris fraternity pero namatay dahil sa hazing ayon sa PNP.

Facebook Comments