Philadelphia 76ers Joel Embiid – malabo pa ring makalaro dahil sa injury

NBA – Nangangamba parin ang Philadelphia 76ers sa kaliwang tuhod ni 2014 3rd overall pick Joel Embiid.

Hindi parin kasi nakalaro ang 7ft center sa isinagawa ng Sixers na 5-on-5 drill dahil sa injury nito.

Matatandaang 31 na laro lang ang nagawa ng basketbolista nitong nakaraang 2016 NBA regular season kung saan nakapagtala siya ng average na 20.2 points at 7.8 rebounds per game.


Nakatakdang naman desisyunan ng 76ers management ang magiging playing time ni Embid sa pagbubukas ng training camp sa isang linggo.

Facebook Comments