PNP, nanawagan sa Kadamay na huwag samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa

Binalaan ni PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar and grupong Kadamay at iba pang makakaliwang organisasyon na huwag samantalahin ang umiiral na sitwasyon na dulot ng COVID-9 pandemic.

Tinutukoy ng opisyal ang nangyaring kaguluhan kahapon sa Barangay San Roque sa gawi ng EDSA, Quezon City kung saan 21 rallysita ang inaresto ng QCPD.

Base sa imbestigasyon, mga miyembro ng Kadamay ang nagsulsol ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagsakay sa hinaing ng mga residente tungkol sa kawalan ng relief supplies.


Kinondena ni Eleazar ang pagsasamantala ng Kadamay at ibang mga makakaliwang grupo sa mga lehitimong hinaing ng mga mamayan para isulong ang kanilang pansariling interes sa gitna ng umiiral na National Health Emergency.

Giit ng opisyal, hindi hahayaan ng PNP na makompromiso ang kaligtasan ng mga pulis, sundalo, mga health frontliners at mga ordinaryong mamamayan dahil lang sa makasariling interes ng ilang grupo na lumilikha ng kaguluhan.

Banta pa ni Eleazar sa mga grupong ito na huwag pilitin ang PNP na gumamit ng dahas laban sa kanila.

Facebook Comments