PNP nanawagan sa mga saksi sa nangyaring ambush kay Ex-Gov Amado Espino Jr. na lumantad na

Nanawagan ang PNP Region 1 sa mga saksi sa nangyaring ambush noong September 11, 2019 kay dating Governor Amado Espino Jr sa San Carlos City na lumantad na at makiisa sa imbestigasyon.
Sa panayam ng Ifm dagupan kay PLTCOL. Mary Crystal Peralta, Chief, Public Information Office ng PNP Region 1, mahalaga ang kooperasyon ng mga saksi upang mapanagot ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang kasamahan ng dating gobernador.
Matatandaang hiniling sa Sangguniang Panlalawigan ang 1 milyong pabuya para sa makakapagturo ng mga suspek sa nangyaring ambush.
Halos dalawang linggo na ang nakakalipas wala pang nasasampahan ng kaso sa nasabing insidente.
Tukoy na ng pulisya ang may-ari ng sasakyan at sa ngayon Nanatiling person of interest ang driver ng convoy ng dating gobernador na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments