Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong ng pagkakaisa ng iba’t ibang paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) upang maging katuwang ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kapayaan at kaayusan sa nalalapit na Brgy at Sangguaniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo makaraang magpasya ang iba’t ibang grupo ng MNLF sa pamumuno nila Nur Misuari, Muslimin Sema at Yusop Jikiri na magkaisa na para sa pagbuo ng Bangsamoro Government.
Aniya, tiwala silang ang pagkakaisa na ito ay maghahatid ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Una nang inihayag ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Senior Undersecretary Isidro Purisima na nagpupulong ang nagkakaisang paksyon ng MNLF gayundin ng MILF para buuin ang Bangsamoro Transition Authority.