PNP, napanatili ang mababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19

16

Mababa pa rin ang naitatalang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, mula 777 kahapon ay bumaba sa 714 ang active cases sa PNP.

Dahil na rin ito ng pagtaas ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 40,838.


Ito ay matapos madagdagan ng 97 new recoveries.

Habang umabot na sa 41,675 ang mga dinapuan ng virus, sa bilang na ito, 34 ang bagong kaso.

Nananatili naman sa 123 ang mga binawian ng buhay sa PNP dahil sa COVID-19.



Facebook Comments