PNP National Headquarters hindi na magpapadala ng support unit sa Mindanao na nakaranas ng pagyanig

Wala pang pangangailangan na magpadala ng support unit ang National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Mindanao kasunod nang naranasang magnitude 6.3 na lindol.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig Gen Bernard Banac,  nang maganap ang paglindol kahapon ay agad na ideneploy ang mga tauhan ng Police Regional Office-12 para umalalay sa Local Government Unit (LGU).

 

Layunin ng kanilang deployment ay matiyak ang peace and order sa lugar, tutulong para sa clearing operations at pagbabantay sa mga napinsalang structures.


 

Maging ang traffic ay babantayan rin nila upang hindi matagalan o maantala ang pagdadala ng mga relief goods sa mga biktima ng lindol.

 

Isa rin aniya itong pagpapakita sa publiko na sa ganitong klaseng kalamidad ay mabilis ang tugon ng gobyerno.

 

Sinabi pa ni Banac na wala pang impormasyong natatangap ang PNP headquarters kung may naapektuhang police stations sa lugar na nakaranas ng lindol.

Facebook Comments