PNP, nilinaw na hindi bawal lumabas ng bahay ang mga residente ng Jolo, Sulu kasunod ng ipinatupad na lockdown

Sulu – Hindi pinagbabawalan ang mga mamayan ng Jolo, Sulu sa lumabas sa kanilang mga bahay.

Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac kaugnay ng ipinatutupad na lock-down ng PNP at AFP sa syudad kasunod ng 2 pagsabog kahapon sa Mt. Carmel Cathedral.

Paliwanag ni Banac, ang lockdown ay nangangahulugan lang ng mas maraming checkpoint papasok at palabas sa bayan at mas mahigpit na seguridad sa mga lansangan.


Dahil sa nangyari aniya ay hindi katataka taka na mas nanaisin ng mga residente na manatili sa kani-kanilang nga tahanan.

Kaya halos walang tao sa mga lansangan sa ngayon sa syudad.

Pero payo ni Banac sa mga residente ng Jolo, Sulu, wag magpatakot sa mga terrorista at gawin lang ang normal nilang ginagawa sa araw-araw.

Siniguro pa ni Banac na ang Security forces ng PNP at AFP ay may sapat na pwersa para pangalagaan ang seguridad ng mga mamayan.

Facebook Comments