Hindi hinahamon sa halip hinihikayat lang ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato na sumailalim sa drug test.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, alam niyang walang batas na nag-oobliga sa mga kandidato para mapatunayan ng mga kandidato sa kanilang mga test pero para raw ma-prove ng mga kandidato sa kanilang nga followers at supporters na sila ay drug free kaya hinihikayat nila ang mga ito na magpa-drug test.
Pero sa huli desisyon pa rin ng mga kandidato ang masusunod.
Sinabi pa ni PNP Chief na katulad sa kanilang hanay, nagsasagawa sila ng regular random drug test o kaya once a year na drug test para lang maipakita sa publiko na sila ay free mula sa illegal substance.
Kaugnay nito, handa naman ang PNP na ipagamit ang kanilang pasilidad partikular ang PNP Forensic Group para sa mga kandidatong nais magpa-drug test.
Kanina una nang nagpa-drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice president candidate Senator Vicente Sotto III.