PNP, nilinaw na mahirap palitan sa pwesto si NCRPO Chief Bebold Sinas ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic

Binigyan diin ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mananatili sa pwesto bilang NCRPO Chief si Police Major General Debold Sinas sa kabila ng kinakaharap nitong kaso kaugnay sa umano’y paglabag sa quarantine protocols.

Sa interview ng RMN Manila kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ipinaliwanag nito na mahirap na palitan si Sinas sa panahon ngayon lalo na’t nasa emergency situation ang bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Banac, may mga COVID-19 program si Sinas na ipinapatupad at posibleng magulo kung aalisin siya sa pwesto.


Nahaharap ngayon sa kasong administratibo si Sinas at 18 iba pang police officials dahil sa paglabag sa health protocols matapos magsagawa ng Mañanita Tradition.

Facebook Comments