Sang-ayon si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, sa pagpapatupad ng “time limit” sa pagbisita sa Dolomite beach para maiwasan ang overcrowding.
Ayon kay PNP Chief, natutuwa sila dahil nagpatupad ng maayos na panuntunan sa mga bumibisita sa Dolomite beach ang Department of Emvironment and Natural Resources (DENR) matapos itong dagsain ng tao nang nakaraang linggo.
Sa bagong panuntunan “cinema approach” ang gagawin kung saan bibigyan na ng mga ticket ang bisita na valid para sa dalawang oras.
Ipinagbawal na rin ng national government ang mga 11-taong gulang pababa sa lugar.
Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga netizens na pumuna sa “overcrowding” na nangyari sa Dolomite beach na lantarang paglabag sa minimum health protocols.
Sinabi ni PNP Chief, isa itong malaking kontribusyon para maisaayos ang sistema ng pagtanggap ng bisita sa Dolomite beach.