PNP, paiigtingin pa ang Oplan Bandillo kasunod ng banta ng Delta variant

Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng Oplan Bandillo sa mga backdoor sa bansa partikular sa Mindanao dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigpit na pagbabantay ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson Ronaldo Olay, ang Oplan Bandillo ay community awareness and information dissemination program laban sa mga criminal elements na ginagamit na ngayon ng PNP para hikayatin ang publiko na sumunod sa minimum health safety standard protocols.


Sa paraang ito aniya, gumagamit ng megaphones and speaker system ang local police forces habang ginagawa ang regular na pagpapatrolya sa mga komunidad.

Maliban dito, inihahanda na rin aniya nila ang kanilang medical personnel sakaling kailangan ang mga ito sa pagbabantay laban sa virus.

Facebook Comments