PNP PANGASINAN, IGINIIT NA HINDI MAAARING IPAKALAT MUGSHOT NG NAHULING INDIBIDWAL

Hindi maaaring ipost o ipakalat ang litrato o mugshot ng isang violator maliban na lamang kung ang nahuli ay ilang beses may nilabag na batas, ito ang naging pahayag ni Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office PCol. Richmond Tadina.

Ang pagpapahayag ni Tadina nito ay dahil sa naging usapin ng paglabas ng mugshot o ang larawan ng nahuhuling suspek sa isang kaso o krimen sa social media.

Ayon kay Tadina, hindi basta-basta ibinibigay ng kapulisan ang mugshot ng isang alleged offender sa isang kaso maging sa mga mamamahayag dahil para lamang ito sa kanilang dokyumentasyon at ilalagay sa kanilang rouge gallery ng kapulisan na ang mugshot na ito ay tumutukoy sa pagkuha ng opisyal na larawan ng isang taong inaresto.

Ang layunin pa nito ay magkaroon ang mga kapulisan ng photographic record ng mga naarestong indibidwal para sa identipikasyon ng mga nabiktima nito at ng mga imbestigador.

Mailalabas lamang aniya, kung ang nasabing suspek ay ‘repeat offender’ o paulit ulit na ginagawa ang krimen na kanilang ibibigay ang mugshot para mapabilis ang paghahanap sa suspect sa tulong ng media.

Muli namang nag-ugat ang usapin ng ‘mugshot’ matapos na kumalat ang nagviral sa social media ang kuhang ‘mugshot’ ng 80 anyos na si Lolo Narding Floro ng Asingan na umano’y inaresto dahil sa pamimitas ng bunga ng mangga na naging viral sa social media. | ifmnews

Facebook Comments