Appointment ng isang commissioner ng Civil Service Commission at 16 na senior officials ng AFP, lusot sa Commission on Appointments

Kinatigan ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga ng Pangulo kay Commissioner Ryan Alvin Rivera Acosta bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC) kung saan manunungkulan siya sa hanggang Pebrero 2, 2027.

Sa confirmation hearing ay binigyang diin ni Acosta ang pagsusulong sa online examinations sa CSC para matiyak na ang kukuha ng pagsusulit ay mapo-proteksyunan laban sa COVID-19.

Bukod dito ay kinumpirma rin ng CA ang ad interim appointments ng anim na heneral at 10 senior officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umakyat sa ranggong colonel.


Pinaka-senior sa 16 si Major General Augustine Malinit, ang kumander ng Air Defense Command (ADC) ng Philippine Air Force (PAF).

Wala ding tumutol sa pagkumpirma ng CA sa mga nabanggit na mga opisyal.

Facebook Comments