PNP PANGASINAN, NAKAHANDANG IDEDEPLOY ANG DALAWANG PULIS SA KADA POLLING CENTERS

Itatalaga ng Pangasinan Police Provincial Office ang dalawang police personnel kada polling centers sa buong lalawigan ng Pangasinan na mangunguna sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa araw ng eleksyon.
Sa naging panayam kay PNP Provincial Director PCol. Richmond Tadina na sa lawak ng babantayan na lugar sa lalawigan ay magiging prayoridad ito sa deployment ng personnel mula sa PNP Regional Headquarters.
Nakipag unayan na rin umano ang PNP Pangasinan sa iba pang uniformed personnel upang maging katuwang sa pagsiguro sa safe election ngayong taon.

Ang PNP Provincial Headquarters ay magdedeploy din mula sa kanilang opisina upang bumaba sa mga bayan at siyudad at magiging katuwang ng mga assigned PNP heads.
Samantala, ang pagdadagdag naman ng mga bayan na nasa ilalim ng ‘orange level’ ay paghahanda lamang upang matiyak sa sapat ang safety forces na magbabantay dito. | ifmnews
Facebook Comments