Final testing and sealing ng VCMs bukas sa Makati, Kasado na

Kasado na ang local Commission on Election (COMELEC) sa Makati District 1 para sa halalan sa Lunes.

Sinabi ni COMELEC District 1 Election Officer 4 Attorney Kimberly Cu, na kumpleto na ang vote counting machines (VCMs) na naipadala sa kanilang distrito.

Gagawin naman bukas, May 4 ang final testing at sealing ng mga VCM sa mga voting centers.


Nakahanda na rin aniya ang 30 voting centers sa distrito partikular sa mga paaralan at makeshift voting centers sa 20 barangays sa unang distrito ng Makati.

Ang voting centers ay may kanya-kanya ring isolation polling place para naman sa mga botanteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments