Sinira ng pulisya ang nasa halos 35, 000 na halaga ng mga nakumpiskang paputok sa Pangasinan ngayong araw sa Pangasinan Police Provincial Office. Walang kaukulang papeles ang mga paputok na nasamsam mula sa labing limang operasyon ng pulisya sa iba’t-ibang siyudad at bayan sa probinsiya.
Nagkakahalaga ang mga paputok ng 33,596. Mababa ang nasabing halaga kumpara noong nakaraang taon na mayroong 58, 177.
Ilan sa mga sinira ng pulisya kasama ang Bureau of Fire and Protection ay ang kwitis, whistle bomb, iba’t-ibang uri ng fountain, sinturon ni hudas, lusis kabilang na rin ang boga na nakumpiska sa mga kabataan sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay PCOL Richmond Tadina, PANGPPO Provincial Director, bagamat nakapagtala ng 37 firecracker related-injuries ang probinsiya maituturing naman na ‘milestone’ ang zero stray bullet incident.
Samantala, ipagpapatuloy ng pulisya ang kanilang kampaniya kontra paputok upang mas mapababa pa ito sa mga susunod na taon. | ifmnews

Facebook Comments