Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Muling Sumipa

34
Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Sa datos ng Isabela Provincial Information Office as of January 3, 2022, sumipa sa 49 ang aktibong kaso sa probinsya mula sa dating bilang na 40 noong December 31, 2021.

Mula sa 49 active cases, kabilang na rito ang apat (4) na naitalang panibagong positibong kaso.

Nakapagtala rin ang probinsya ng isang kaso ng namatay sa COVID-19 at isang pasyenteng gumaling.

Tumaas din ang bilang ng COVID-19 related deaths sa 2,073 habang ang naitalang total recoveries sa probinsya ay mayroon ng 58,634.

Umaabot na sa 60,756 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments