PNP Pangasinan target na mapangalaagaan ang kalusugan ng mga pulis

Lingayen, Pangasinan – Target ng Pangasinan Police Office na mapangalaagaan ang kalusugan ng kapulis sa lalawigan, lalo na’t magdadalawang buwan nang nagbabantay ang mga ito sa mga border checkpoints. Ayon kay PCol. Redrico Maranan ang provincial director ng Pangasinan, bilang director trabaho nitong masigurong nasa mabuting kalagayan din ang kalusugan ng mga pulis habang naglilingkod sa sila sa bayan.

Nilinaw nito na hindi naman babawasan ang bilang ng mga PNP personnel na nakatalaga sa mga checkpoints, kundi ang oras lamang ng mga ito ang babawasan sa pagmamando ng borderlines. Magsasagawa ng shifting ang mga ito, upang magkaroon ng pahinga ang mga kasamahan.

Facebook Comments