PNP PANGASINAN TINIYAK NA MANANAGOT ANG MGA PULIS KUNG MAPATUNAYANG MAY NAGANAP NA HARASSMENT SA KAANAK NG NG UMANOY NAGPAKAMATAY NA ONION FARMER SA BAYAMBANG, PANGASINAN

Naglabas ulit ng pahayag ang PNP Pangasinan kaugnay sa isyu ng pagpunta umano ng kanilang mga tauhan sa bahay ng isang biyuda ng isang onion farmers na nagpatiwakal.
Sa inilabas na pahayag ni Pangasinan Police Provincial Office Director Jeff Fanged, bagamat inamin nito na may mga pumunta sa bahay ng pamilya Gallardo, ito ay upang i-beripika lamang kung totoo ang napaulat sa pagdinig sa Senado at base na rin sa kautusan ng DILG.
Sa kanilang imbestigasyon, at nakasaad sa death certificate ng umano’y nagpakamatay na si Roger Gallardo, namatay ito dahil sa respiratory failure secondary to organophosphate poisoning.

Sa ngayon, patuloy ang balidasyon kaugnay sa napabalitang harassment na ginawa ng PNP Bayambang at kung totoo ay tiniyak na mananagot ang mga ito.
Tiniyak naman ni Fanged na mananatili ang kapulisan sa kanilang sinumpaang tungkulin ng walang kinikilingan. | ifmnews
Facebook Comments