PNP, patuloy na ikinakasa ang hot pursuit operation laban sa nagpasabog sa isang bus sa Parang, Maguindanao

Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang security forces para tumutok sa pagtugis sa suspek sa pagpapasabog ng Rural Transit Bus sa Parang Maguindanao.

Ito ay matapos na ipag-utos ni PNP Chief General Dionardo Carlos kay Bangsamoro PNP Regional Director P/BGen. Arthur Cabalona ang mas maigting na hot pursuit operation laban sa suspek para agad itong maaresto.

Utos din ng PNP chief na paigtingin ang checkpoint operations, police visibility patrols at focused intelligence and law enforcement operations.


Batay sa ulat, bumibiyahe ang bus sa national highway ng Purok Nangka, Barangay Making, Parang, Maguindanao, patungong Dipolog City mula sa Cotabato City nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa likurang bahagi ng bus bandang alas-7:00 ng umaga.

Narekober at na-diffuse ng mga rumespondeng tropa ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ang pangalawang IED na nasa kabilang dulo ng bus.

Tiniyak ng PNP chief sa mga nasugatan sa pagsabog na reresolbahin nila ang kaso sa ang kaso sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, nire-review ang lahat ng kuha ng CCTV camera sa lugar para magkaroon na ng person of interest.

Facebook Comments