NDRRMC, magkakaroon ng karagdagang pasilidad sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija para sa paghahanda sa mga kalamidad sa bansa

52

Nakatakdang pasinayaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang kanilang bagong pasilidad na tinawag na 3 in 1 Disaster Risk Reduction Management Facility.

Gagawin ang pagpapasinaya sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija sa April 29, 2022.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ang karagdagang pasilidad nila ay bahagi ng pagpapatuloy ng pagpapalakas at paghahanda sa pagharap sa mga kalamidad gaya ng super typhoon, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad.


Kasabay ng inagurasyon ay magsasagawa rin sila ng simulation at ipapakita ang back up administrative hub at alternative recovery center na magagamit sakaling kakailanganin.

Inaasahang dadalo sa aktibidad sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Civil Defense Administrator Usec. Ricardo Jalad.

Facebook Comments