PNP, patuloy sa pangangalap ng mga ebidensya sa posibleng dahilan ng pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ng walong PNP officials

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Philippine National police (PNP) ang pagbagsak ng chopper na sinasakyan nina PNP Chief Archie Gamboa at iba pang police officials sa Laguna.

Ayon kay Special Investigation Task Group (SITG) Commander at PNP Deputy Director General for Operations Lieutenant General Guillermo Eleazar, maraming dahilan ang pagbagsak ng naturang chopper kaya at kumakalap pa sila ng sapat na impormasyon bilang bahagi ng proseso ng kanilang imbestigasyon.

Sabi pa ni Eleazar, tatlong anggulo ang tinitignanan nilang posibleng naging dahilan ng pagbagsak ng helicopter.


Aniya, isa na rito ang pilot error, airworthiness o kundisyon ng chopper at ang landing tight preparation o kung nasunod ba ang mga standard operating procedure at protocols sa landing at take-off.

 

Facebook Comments