PNP personnel na infected ng COVID-19, umabot na sa 140

Dumami pa ang mga pulis na positibo sa COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa hanggang ngayong araw umaabot na sa 140 mga PNP personnel ang infected ng virus.

Ang bilang na ito ay 1.26% sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.


Lima sa mga positive sa virus ay naka-admit sa medical facilities, 64 ay sa mga quarantine centers habang 17 ay naka home quarantine.

Pero ang good news, ayon kay Gamboa tumataas ang recovery rate ng PNP COVID-19 cases na ngayon ay umaabot na sa 35.7 percent.

Habang patuloy naman ang pagbaba ng mortality rate.

Samantala sa ngayon hinihintay nalang ng PNP na maaprobahan ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang pag-operate ng kanilang sariling RT PCR Testing Laboratory sa Camp Crame.

Facebook Comments