PNP personnel na nabakunahan kontra COVID-19 umabot na sa 50 percent nang kanilang buong pwersa

Inihayag ng Philippines National Police (PNP) Administrative Support to COVID-19 Task Force (ASCOTF) na 50% na o 112,829 nang kanilang mga tauhan sa buong bansa ang fully vaccinated mula sa mahigit 200,000 na kabuuang pwersa ng PNP.

Ayon kay PNP ASCOTF Commander at Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, batay sa datos ng PNP Health Service nasa 42.96% o 95,675 na PNP personnel ang nabakunahan na ng first dose.

Habang patuloy ang ginagawa nilang paghikayat sa 6.37% o 14,197 police personnel na magpabakuna para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.


Samantala bumaba ang bilang ng naitalang bagong COVID-19 cases kahapon na nasa 271 kumpara nang nakalipas na araw na sumampa sa mahigit 400.

Sa ngayon nasa 2,579 ang total active cases sa PNP at walang naiulat na panibagong nasawi.

Mahigpit naman ang paalala ni Lt. Gen. Vera Cruz sa mga pulis na striktong sundin ang minimum public health standard upang maiwasan na mahawahan ng virus.

Facebook Comments