Halos 23, 000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng record high 22,820 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,161,892 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, nasa 166,672 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nasa 1,960,487 ang gumaling matapos madagdagan ng 12,337 new recoveries.

Nadagdagan naman ng 61 ang mga nasawi kaya umabot na sa 34,733 ang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments