REQUIREMENT na para sa lahat ng Philippine National Police (PNP) Personnel ang pagpapakita ng negatibong RT-PCR test result bago makapasok sa probinsya ng Pangasinan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito.
Ayon kay P/Major Arturo Melchor Jr., Spokesperson ng Pangasinan Provincial Police Office, ito umano ay direktiba ng Police Regional Office 1 upang hindi na umano makadagdag pa ang miyembro ng PNP sa pagkalat ng COVID-19 sa probinsya.
Para naman sa mga NON-APORs na bumabyahe sa lalawigan, kailangan pa ring magparehistro sa S-Pass na isa rin sa mga requirement upang makapasok dito.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa higit 800 ang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Pangasinan at 47 LGUs ang apektado ng nakakahawang sakit.
Facebook Comments