PNP pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa Liquor ban na magsisimula bukas hanggang araw ng eleksyon

Paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na sumunod sa ipatutupad na liquor ban, paghahanda sa gaganaping botohan sa Lunes.

Ipapatupad ang liquor ban mula bukas May 8 hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa May 9.

Ayon kay PNP Chief Officer-in-Charge/Security Task Force Commander, Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr. sinumang mahuhuling lumabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng hindi bababa sa isang hanggang anim na taon batay na rin sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10746.


Batay sa batas ang sinumang mahuling nagbebenta, nag o-offer at umiinom ng alak sa May 8 at May 9 tiyak na mahaharap sa parusa.

Kaya naman apela ni Danao sa publiko na maging disiplinado at sumunod sa batas.

Pinaalalahanan din ng PNP ang mga may ari ng mga establishment na huwag munang magbenta ng alak para hindi makasuhan

Facebook Comments