Pagbangon ng Pilipinas sa pandemya at iba pang kalamidad, tututukan ni Senatorial Aspirant Gibo Teodoro

Tututukan ni dating Department of National Defense Secretary at senatorial candidate Gilbert “Gibo” Teodoro ang pagbango ng bansa sa pandemya at iba pang kalamidad.

Naniniwala si Teodoro na makakatulong ang kanyang malawak na karanasan sa gobyerno at pribadong sektor upang muling maibangon ang bansa.

Sa pamamagitan ng kanyang adbokasiyang “Bagong Pilipinas para sa Bagong Henerasyon”, sinabi ni Gibo na may mga bago siyang ideya at solusyon sa problemang kinakaharap ng bansa tulad ng COVID-19 pandemic, natural calamities at external conflicts.


Ang 1989 bar topnotcher na si teodoro ay labing dalawang taong nanilbihan sa pribadong sektor at naging kongresista rin Tarlac.

Facebook Comments