PNP, pinaigting ang crackdown kontra sa hindi awtorisadong paggamit ng wang-wang at blinkers

Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang crackdown laban sa mga hindi awtorisadong paggamit ng blinkers at wang-wang.

Ito ay kasabay ng gaganaping 30th Southeast Asian Games at holiday season.

Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa – inatasan na niya ang lahat ng PNP unit commanders na mahigpit na ipatupad ang probisyon base sa “action plan against wang-wang and counterflow” at ang “Policy on the Provision of the PNP Mobile and Motorcycle Security Coverage.”


Tanging mga patrol vehicles at patrol motorcycles, SOCO vehicles, swat vehicles, rescue vehicles, emergency vehicles, fire truck, at ambulansya ang papayagang gumamit ng wang-wang at blinkers.

Facebook Comments