
Pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang kooperasyon nito sa South Korean counterpart para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga koreano sa bansa.
Ang pangakong ito ay kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Korean National Police Agency sa nangyaring state visit ng Presidente ng South Korea na si Lee Jae-myung sa Pilipinas nitong March 3.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr.,ang nasabing kasunduan ay makatutulong sa pagresolba sa mga kasong kinasasangkutan ng mga Pilipino at Koreano.
Magbibigay daan din ito para maibahagi ng maayos ang intelligence at susi sa impormasyon ng kaso.
Sa ilalim din ng nasabing kasunduan, paiigtingin ng PNP at Korean Police ang bilateral security exchanges habang nagsasagawa ng joint training, capability-building initiatives, at closer operational coordination.
Bilang parte ng implementasyon ng MOU, inatasan ni Nartatez ang mga chiefs of police at head ng national support units para maglunsad ng help desk para sa mga Korean Nationals, layon nito ma-aassist ang mga biktima at magpapabilis ang imbestigasyon na kinasasangkutan ng mga Koreano.










