
Pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang search, rescue and relief operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino.
Inatasan ni PNP acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng unit at tanggapan ng pulisya na pagigtingin ang pagkakasa ng mga nasabing operasyon.
Sa ngayon nasa mahigit 9 na libong mga PNP personnel at 300 na mga police mobiles ang kumikilos para magbigay ng humanitarian assistance sa mga nasalanta ng nasabing bagyo.
Tiniyak naman ni Nartatez na puspusan ang ginagawang hakbang ng mga kapulisan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta.
Patuloy naman ang pakikipagugnayan ng PNP sa mga local government units, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ibang ahensya lalo na sa bahagi ng Katimugang Luzon, Visayas, at sa ilang bahagi ng Mindanao.









