PNP pinapasuko kay Erwin Tulfo ang kanyang mga armas

Inutusan ng Philippine National Police (PNP) si Erwin Tulfo na isuko ang kanyang mga armas.

Sa press briefing ng PNP kanina, sinabi ni Spokesperson Col. Bernard Banac, paso na ang lisensya ni Tulfo nito pang Mayo.

The PNP has ordered for the recall or temporary custody or safekeeping of the firearms of Erwin Tulfo in as much as the license to own and possess firearms of Mr Erwin Tulfo has already expired,” pahayag ni Banac.


Ayon pa sa otoridad, nagpadala sila ng “open deadline notice” sa mamamahayag kahapon. Hindi naman damay ang mga kapatid na sina Ben, Raffy, at Mon dahil may bisa pa ang kanilang lisensya.

Maaring isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril sa pinakamakapit na police station. Dagdag ni Banac, puwedeng pa niyang i-renew ang LTOPF (license to operate and possess firearms).

“If they would apply for a renewal, this would have to go through the normal process. They would undergo a drug test, neuropsychological test, including interview,” tugon ng PNP Spokesman.

Hindi binanggit ng PNP kung ilan armas ang pagmamayari ng nakababatang Tulfo. Kapag nabigo, puwede siyang arestuhin.

Facebook Comments