PNP, pinasasagawa ng mental evaluation sa lahat ng mga pulis sa bansa

Pinasasagawa ni House Assistant Majority Leader Niña Taduran ang Philippine National Police (PNP) ng mental at emotional evaluation para sa mga pulis sa buong bansa.

Kasunod ito ng isang insidente sa Mabalacat, Pampanga kung saan isang babaeng motorcycle rider ang hinarang sa checkpoint at umano’y ginahasa ng pulis na nagbabantay doon.

Giit ng mambabatas, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagamit ang checkpoint sa pang-aabuso ng ilang mga law enforcers ngayong may pandemya.


Umaasa ang lady solon na maikukunsidera ng PNP ang mental, emotional at kahit ang physical evaluation sa mga tauhan sa buong bansa upang malaman kung “fit” ang mga ito sa pagtupad ng tungkulin.

Nanawagan din ang kongresista sa mga biktima ng mga tinatawag na “power-trippers” na lumantad at maghain ng kaukulang kaso upang matulungan din na malinis ang mga pwersa ng pulisya laban sa mga mapang-abuso sa kapangyarihan at sa batas.

Facebook Comments