Pinasisibak na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang local maritime chief at mga pulis na naaresto sa robbery-extortion sa Masbate.
Ayon kay Gamboa, nagpapatupad na ng dismissal ang organisasyon sa mga “rogue cop” mula sa serbisyo sa loob ng 15 araw.
Nabatid na agad na inaresto ang mga suspek matapos tanggapin ng mga ito ang P200,000 na hinihingi nila sa operator ng isang fishing vessel na na-impound dahil sa iligal na pangingisda.
Kaugnay nito, tiwala naman si Senator Ping Lacson sa pagpapataw ni Gamboa ng diciplinary action sa mga pulis na inaakusahang nang-aabuso at gumagawa ng krimen partikular na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Nagpaalala naman ang senador sa mga pulis na dapat pag-igihan pa ng mga ito ang kanilang trabaho dahil na-doble na ang kanilang suweldo at mga benepisyo.