PNP, pinasusuko ang mga pulis na kasama sa drug watchlist

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang halos 400 police officers na kasama sa drug watchlist na sumuko at sumalang sa legal na proseso.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, mas makakabuti kung susuko ang mga ito sa kinauukulan at linisin ang kanilang pangalan sa legal proceeding.

Wala naman dapat ipag-alala kung mapatunayan na hindi sila sangkot sa ilegal na droga o iba pang ilegal na aktibidad,


Nasa 391 PNP officers na aktibo pa sa ngayon ang kasama sa watchlist ng mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade.

Ang pinakamataas na ranking officer na nasa listahan ay Lieutenant Colonel at ang pinakamababa ay Patrolmen.

Facebook Comments