Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang o guardian na magbababakasyon sa beach o resort na may kasamang bata sa posibleng insidente ng pagkalunod.
Sa records ng PNP ngayong buwan, aabot na sa siyam na drowning incident ang naitala at karamihan sa mga biktima ay mga bata
Payo ni PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – kapag lalangoy sa beach o pool ay dapat may kasamang marunong ding lumangoy.
Bantayan ding mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak at iwasang papuntahin sa mga pool o beach na mag-isa.
Dapat alam din ng mga magulang ang pinakamalapit na first aid stations at police assistance desks.
Sa datos ng World Health Organization (WHO), aabot sa 372,000 na tao ang namamatay kada taon dahil sa pagkalunod.