Presensya ng Chinese vessels sa Pag-asa Island, posibleng mapag-usapan nina PRRD at Jinping

42

Posibleng talakayin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang presensya ng mga barko ng Tsina sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Matatandaang inimbitahan si Pangulong Duterte na dumalo sa ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing ngayong buwan.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – maaaring bahagi ng maritime militia ng China ang pag-aaligid ng mga barko nito.

Aniya, pag-uusapan ng dalawang lider ito sa bilateral meeting sa sidelines ng forum.

Binigyang diin ni Panelo na kailangang sagutin ng China ang diplomatic protest ng Pilipinas hinggil dito.

Sakaling matuloy ang pagpunta ng Pangulo ay ito na ang ikapitong meeting sa pagitan niya at ni President Xi.

Facebook Comments