PNP, pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang init ng ulo sa kalsada para hindi mauwi sa road rage

Pinagbabaon ng Philippine National Police (PNP) ang mga motorista hindi lamang ng pagkain at inumin kundi ng mahabang pasensya.

Ito ang paalala ng PNP sa mga motorista ngayong Holiday season kung saan ramdam na ang napakabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen Jean Fajardo, dapat manatiling kalmado ang mga motorista para maiwasan ang road rage.


Paliwanag pa nito, mahaharap sa seryosong reklamo ang mga masasangkot sa away-kalsada lalo na ang mga mapapatunayang nasa impluwensya ng alak.

Samantala, sinabi naman ni Fajardo na nakipagtulungan ang PNP sa mga local government unit gayundin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa pagmamando ng daloy trapiko at pagbabantay ng seguridad ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments