Lanao Del Sur, Philippines – Tinanggal na sa puwesto si Senior Supt. Oscar. Nantes bilang provincial director ng Lanao Del Sur.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang regional director ng PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, pansamantalang papalit sa puwesto ni Nantes si Supt. Restituto Lacano.
Hold over capacity lang umano si Lacano dahil hindi pa ito kwalipikadong maging provincial director.
Ayon kay Sindac, inilipat na si Nantes sa region 12.
Ayon kay Sindac, noon pang Biyernes inilabas ang kautusan ng PNP General Headquarters para tanggalin sa pwesto si Nantes.
Pero, hindi matukoy ni Sindac kung failure of intelligence ang naging sanhi ng pagkakasibak ni Nantes kaugnay sa gulo sa Marawi City.
DZXL558
Facebook Comments