PNP, pumalag din sa kulay “ITIM” campaign ads ni Sen. Imee Marcos at VP Sara

PHOTO: Senator Imee Marcos/Facebook

Sinagot din ng Philippine National Police (PNP) ang political ads ni Senator Imee Marcos kasama si Vice President Sara Duterte kung saan inilarawan sa kulay na itim ang sitwasyon ng bansa dahil sa mga krimen at karahasan.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PNP Director for Police Community Relations Major General Roderick Alba, na bagama’t hindi kaila na may ilang malalaking krimen na hindi agad nareresolba, hindi naman nito kinakatawan ang kabuuang sitwasyon ng seguridad sa bansa.

Patunay pagbuti ng sitwasyon ang pagbaba sa 26% ng crime rate sa bansa kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Alba, nire-respeto naman ng PNP kung ano mang ipinalalabas na kwento ng kabilang partido pero kailangang tingnan ang totoong datos.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Alba na tuloy-tuloy ang gagawing trabaho ng pulisya para mapigilan ang anumang uri ng krimen at mga paglabag.

Facebook Comments