Umalma si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa teorya ni Senator Risa Hontiveros na protektado ng mga pulis ang mga Chinese prostitution rings sa bansa.
Ayon kay Gamboa sa larangan ng pag-iimbestiga, ang mga teorya ay spekulasyon lang.
Maari aniyang maka-kompromiso ang mga ganitong teoryang sa “objectivity” ng isang imbestigasyon dahil sa pagkaka-pokus masyado sa teorya at naisasantabi ang ibang posibilidad.
Matatandaang una nang binunyag ni Hontiveros na talamak ang pangangalakal ng mga babae sa mga dayuhang nagtratrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) operations sa pamamagitan ng mga online chat rooms.
Pero una nang inutos ni Gamboa ang PNP Women and children Protection Center na tutukan ang mga kaso ng prostitusyon na May kaugnayan sa mga Chinese nationals na nagtratrabaho sa POGO.
Sinabi rin ni PNP Spokesperson Police Brigadier Bernard Banac na paiimbestigahan din sa PNP-Anti cyber-crime group ang pagbebenta ng mga babae sa pamamagitan ng internet.